Feature

WATCH: Grade 10 delivers tear-jerking speech for OFW parents

For children of young age, it could be very hard to understand why parents leave and fly overseas. This is especially true when memorable moments like graduation day comes and OFW parents are not around to celebrate their children’s achievements – and mark the end of high school or university life.

A young student in Grade 10 used her ‘moving-up ceremony’ speech as an avenue to extend her appreciation toward her parents who are both overseas Filipino workers.

Here is the full transcript of her speech.

“Nagpapasalamat po ako sa Panginoong Diyos sa isang napakagandang araw na ibinigay niya sa atin. Salamat po na ang lahat ng mga magulang at Grade 10 students ay ligtas na nakarating sa paaralang ito. Salamat po na ang lahat ay nakaakyat sa stage at nabigyan ng sertipiko [ng] pagtatapos. Nagpapasalamat po ako sa isang napakagandang karangalan na ipinagkaloob ninyo sa amin. Isa pong karangalan ang makapagsalita sa inyong harapan at marami pong salamat sa oportunidad na ito.

At pangalawa po, nagpapasalamat po ako sa ating mga magulang na nagsusumikap at nagpapakahirap magkaroon lang tayo ng magandang kinabukasan, na iyong iba sa hirap ng buhay napipilitang mangibang-bansa. Masakit mang mapalayo sa kanilang pamilya pero ang lahat ng ito ay tinitiis nila.

Pero sa isang tulad ko na anak ng OFW, mahirap sa akin na wala sa tabi ko ang Mama at Papa ko. Nakaka-inggit isipin na sa tuwing may pagpupulong at may deliberation of honors ay wala sila sa tabi ko. Nalulungkot ako na yung magulang nila ay nandyan para suportahan sila. Nalulungkot ako na sa araw na ito, hindi ko man lang muling makasama ang mga magulang ko. Sa mga nakikita ko ngayong masasayang magulang, malungkot ako dahil ni isa diyan ay wala ang Mama at Papa ko. Wala sila para makita akong umakyat sa stage.

Pero lahat ng lungkot ko at inggit ay balewala sa pagod at paghihirap ninyo. Mama at Papa, lahat ng tagumpay ko ay inaalay ko para sa inyo. Wala man kayo ng ilang taon sa tabi ko, hindi ito naging hadlang upang ako ay magtagumpay. Imbis, ang lahat ng paghihirap ninyo ay naging inspirasyon ko para mag-aral ako ng mabuti.

Saludo po ako sa mga OFW na magulang na matapang na nagdedesisyong umalis patungong ibang bansa para sa ikabubuti natin. Kaya para sa magulang natin, lahat ng paghihirap at pagtitiis nila ay mabubunga din. Mag-aaral tayo ng mabuti at makakapagtapos nang sa gayon ang pagsassakripisyo ng ating mga magulang ay mapapalitan ng isang magandang kinabukasan. Bilang ganti, bibigyan natin sila ng magandang buhay at tayo naman ang magsisilbi para sa kanila.”

What would you like to say to a family member who works overseas?

Related Articles

Back to top button