Feature

Top 5 na dapat iwasan ng mga OFW at pamilya para hindi mamulubi

1- Gumastos ng naaayon sa kinikita

Kahit kumikita ka ng 62 tulad ng isang lalaking nag-viral sa Kuwait, ‘wag mong ilustay sa mga “patay na investment”. Ano yan? Bagong gadgets, sapatos, damit, etc. Hindi yan katulad ng lupa o ginto, o iba pang investment na habang tumatagal, tumataas din ang value. Ang gadgets at mga damit, kapag tumatagal nagdedepreciate ang value hanggang sa masira na, kumupas na o hindi na mapakinabangan. So, kahit P62,000 ang kita mo, hindi ibig sabihin nyan may makarapatan ka ng gumastos ng ganito rin kalaking halaga o higit pa kada buwan. Mag-impok, magsubi, mag-invest sa mga tamang bagay.

2- Minsan nasa kaibigan lang din ‘yan

sale 1

Labanan ang tukso na hatid ng mga kaibigan na “gastos dito, gastos doon”. May mga panahon na kapag nakikita nating umaasenso ang ating mga kaibigan, nais nating makisabay para hindi tayo mukhang napag-iiwanan o kawawa. Hindi ka magiging kawawa kung hindi ka magiging biktima ng maling paggasta. Halimbawa, bumili si kumare ng bagong flatscreen TV. Huwag magpadala sa inggit at dali-daling bumili rin ng sayo. Isipin mo munang mabuti kung “kailangan ba” o “luho” lang ang nais mong pagkagastusan.

3- Iwasan ang “take away” o pagkain sa labas

food

Sigurado may kakilala kang kaibigan na kakakain pa lang ng tanghalian ay magyayaya na kaagad maghanap ng pang-miryenda. O magkakape lang sa umaga, Gloria Jeans o di kaya’y Starbuck pa. Di masama na paminsan-minsan, i-treat mo rin naman ang sarili mo. Pero kumain lang nang sapat. Isang tip, kung kayang magluto sa flat kahati ng mga kaibigan o flatmate, mas makakatipid ka.

4- Iwasang umasa lang sa swerte at sa iba

swerte

Sabi nga nila, wala namang masamang maniwala sa swerte basta huwag nating hahayaan na ito ang magdidikta sa ating buhay. Ang pera hindi lang lumilipad sa hangin na basta didikit sayo. Kailangan mong umaksyon para umasenso. “Kinabukasan is not dictated by chance, but by choice.”

Huwag rin nating hayaan na ibang tao ang humawak ng ating mga kapalaran o kaya’y umasa sa padala ni kuya at ate na nasa Dubai. Nagbabanat sila ng buto para makatulong sa atin. Nakakahiya naman besh kung sila ang “bubuhay” sa atin. Tandaan hindi sila “Diyos”.

5- Iwasan mangutang kung wala kang ibabayad

money

Ang utang may kasamang interes. Ang maliit mong utang kahapon, doble na o triple pa kapag binayaran mo bukas o sa makalawa. Sabihin na nating hindi maiiwasan, pero siguraduhin mo lang na makapagbabayad ka “on-time” para hindi magpatong-patong ang interest. Ka-TFT, maraming nakakulong sa UAE dahil sa utang. Makadaragdag din lang ito sa stress mo sa buhay.

Isang tip, magkaroon ng savings! Ang karaniwang rason kung bakit tayo nangungutang ay dahil sa mga emergency. Sa mga panahong ito, wala tayong nakahandang pera kaya tumatakbo tayo sa mga pautangan. Pero kapag may savings ka, hindi na kailangan mangutang sa panahon ng emergency.

Related Articles

Back to top button