Masaya at sama-samang ginunita ng mga miyembro ng UAE Chapter mula sa Dubai, Abu Dhabi, Ras Al Khaimah, Al Ain at Sharjah ang pagdiriwang ng kapaskuhan and kaarawan ni Ama Mons. Dr. Rufino S. Magliba sa Howard Johnson Hotel, Setyembre 24,2022.
Sa unang bahagi ng selebrasyon, sinimulan ito sa pag-aalay ng mga bulaklak mula sa lahat ng mga miyembro, sinundan ito ng High Mass sa pangunguna ni Ministro Reyson Gumaru at pagkanta ng birthday song para kay Ama Mons. Dr. Rufino S. Magliba.
Sa ikalawang bahagi, ginanap ang Christmas party kung saan mayroong patimpalak sa paggawa ng parol mula sa recycled materials na napanalunan ito ng Abu Dhabi Group. Mayroon ding exchange gift at pa-raffle para sa lahat. Hindi din mawawala ang ibat ibang palaro at intermission number na hinanda ng mga miyembro tulad ng pagkanta at pagsayaw (Salakot Dance at Sisiwit ng Honor Guards). Binigyan din ng pagkilala ang mga miyembro na nakakumpleto ng kanilang obligasyon para sa taong 2021 sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko upang lalo pang sipagin at maging ehemplo at tutularan ng lahat.
Datapwat wala sa nasabing selebrasyon si Bishop Roldan Magliba, Middle East Administrator, dahil siya’y dadalo sa Overseas Festival, naidaos pa din ng matagumpay ang selebrasyon sa pangunguna ni G. Ranilo Valdeleon (COL President) at ng kaniyang katuwang sa buhay na si Gng. Maribel Valdeleon, at pagkakaisa ng bawat opisyales at miyembro.
Nagtapos ang pagdiriwang sa panghuling mensahe na ipinarating ni G. Valdeleon na lahat ay naaliw at masaya na kahit malayo ang lahat sa mga pamilya na nasa Pinas ay damang dama pa din ng mga ng UAE miyembro ang tunay kapaskuhan at kaarawan ng diyos na ating mahal Ama Mons. Dr. Rufino S. Magliba.