Feature

Pulso ng bayan: What OFWs are saying about the midterm polls

The Filipino Times did a straw poll of OFWs across the UAE to get a pulse of the upcoming electoral exercise. Here’s what they say.

Dr. Rex Venard Bacarra
Dr. Rex Venard Bacarra, university dean
“If change doesn’t happen or the condition has worsened, then I look forward to exercising again my right to vote. Change happens. Probably not in our lifetime, but it will.”

Vagelyn Tumbaga Federico
Vagelyn Tumbaga Federico, human resource director
“I will vote not only to empower myself but also to further our goal to have a cohesive community.”

Albert Alba
Albert Alba, media practitioner
“Dapat na ang mga makabagong teknolohiya ay makatulong upang mabawasan ang pandaraya.”

Anthony Deleon
Anthony Deleon, senior English editor
“Having the privilege to vote even while I am abroad helps reinforce my love for country.”

Jason Roi Bucton
Jason Roi Bucton, vice chair, PID Organizing Committee
“Dito naman sa Dubai, o sa kahit ano mang bansa, namulat tayo kung paano tayo naaalagaan ng gobyerno sa pamamagitan ng mga serbisyong nararapat sa bawat isa. Nakukumpara natin ngayon kung ano ang mga kakulangan sa bansa natin. Kaya nakukumpara din natin ang mga taong karapat-dapat kaysa duon sa maraming satsat.”

2 virgiliobadong
Virgilio “SGF Badong” Villanueva Jr., PCGFI Knights Chairman and Manager
“Sa Pilipinas, hindi po ako botante at dati wala akong planong bumoto talaga. Pero ngayon, nais kong gamitin ang aking boto para maihalal ang mga katulad ng ating Pangulong Duterte na may malasakit sa kapwa at hindi corrupt.”

Michico Lopez Ramos
Michico Lopez Ramos. head sales
“Boboto ako makatulong sa bayan kahit sa maliit na paraan para mailuklok ang nararapat sa pwesto.”

Maria Elena Alba
Maria Elena Alba, public relations
“Karapatan ko yun lalo na’t gusto kong may magbago sa ating bansa.”

Louie Mel Maliksi
Louie Mel Maliksi, CNN videographer
“Yes! I’ll vote the non-TRAPO candidates. Teka meron ba nun?”

1 maryclar
Mary Bernil Clar, hairdresser
“Ang pipiliin kong kandidato ay yung tingin kong magiging karapat dapat para maging maayos ang ating bansa.”

3 markjoseph
Mark Joseph Dela Rosa, nurse
“Nakita ko yung kaibahan dito sa UAE. Kaya sabi ko sa sarili ko na kailangan ko makaboto. Dahil gusto kong umunlad ang pilipinas.”

4 cheosamat
Cheo Samat, company driver
“Ang hanap ko ay mga taong hindi corrupt.”

5 ricky
Ricky Vallescas, security guard
“Marami dami akong hinahanap sa isang kandidato – dapat sila’y makadiyos, honest, hindi nagnakaw, hindi corrupt at higit sa lahat – may malasakit sa kapwa lalo na sa ating mga OFW.”

6 jeremy
Jeremy Diola, civil engineer
“Ang aking hangarin ay maalis ang mga corrupt at walang kwentang lumang apeliyido, at maihalal ang may tunay at malinis na hangarin sa Pilipinas.”

7 zoraida
Zoraida Lauriola, housemaid
“Inaasahan ko kung sinuman ang mananalo ay di nila makalimutan ang kanilang mga pangako.”

8 Lourdes
Lourdes Aquino, teacher
“Sana mabawasan ang corruption na siyang numero unong pumapatay sa ating bansa.”

9 marsha
Marsha Fabio, clinic assistant
“Hanap ko sa isang kandidato ay taong may takot sa Diyos, mapagkumbaba, may malasakit, simple, firm at kaya tuparin ang mga pinangako.”

10 nenita
Nenita De Leon, housemaid
“Ang hinahanap ko lang naman sa isang kandidato ay yung may paninindigan at hindi puro salita lamang.”

11 marisol
Marisol Pabula, marketing coordinator
“Inaasahan ko ang tunay at patuloy na pagbabago para sa kapayapaan at masaganang pamumuhay ng mga Pilipino.”

12 flordiliza
Flordiliza Bromeo, domestic helper
“Sana lahat ng maihahalal ay gawin ang tungkulin nang maayos.”

13 julietamendez
Julita Mendez, domestic helper
“Iboboto ko ang kandidationg mapapagkatiwalaan para magkaroon ng kaayusan sa ating bansa.”

14 Jane
Jane Emboltorio, housemaid
“Nais kong iboto ang kandidatong may paninindigan sa pamumuno ng ating bansa.”

Lon Hipolito, electrical engineer
“Hindi ko sasayangin ang karapatan kong bumuto, ang makapili ng tingin kong karapat dapat na mamuno para sa bansang Pilipinas.”

Coach Roland Crisostomo, Founder, Jazzville Basketball League
“Ang mga tao ngayon natuto na kung sino dapat iboto lalo na sa katulad nating mga OFWs.”

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button