Feature

Paskong may pasok: Filipinos in the UAE celebrate Christmas at Work

In the UAE, December 24 and 25 aren’t declared as official holidays – which is why a vast majority of Filipinos and other expats treat these days as regular working days.

However, while people may request their off during these dates, many others will continue to be a part of their company’s daily work so as to avoid any disruptions during the holiday season.
These are how Filipinos reacted as they share their sentiments about being at work on Christmas day.

===

1 Louie 1
Louie M. Pilar, Head Chef
Sa loob ng mahigit siyam na taon dito sa UAe mga tatlong beses din akong nakapag pasko sa pilipinas.. Sa mahigit na anim na beses na pagtrabaho ng pasko ang pakiramdam ko ay masaya na malungkot.. kasi naiiisip ko na kung sa Pilipinas ako , ako ang maghahanda sa bahay at kasama ang Pamilya ko.. Pakiramdam ko dito hindi kumpleto ang sinasabing Pasko… kasi ang pasko para sa akin ay Pamilya.. Kasama ko man ang mga katrabaho , kaibigan pero iba padin yung Pamilya mo.. Na nasa Pinas sila nakakapag simbang gabi , ramdam na ramdam ang simoy ng Pasko. Pero wala eh ganun talaga kasama na sa pagiging OFW mawalay ng Pasko at iba pang masasayang okasyon sa Pilipinas. Kasama na sa pinirmahan natin at swerte kung sakto Disyembre ang bakasyon . Ayun masaya na malungkot, malungkot kasi mga anak mo gusto kang makasama at makita.

===

2 christine hermano 1
Christine de la Pena-Hermano, HR Assistant
Malungkot na excited. Malungkot kase usually ang araw na ito ay busy na tayo sa pag-prepare ng magiging noche buena, busy sa pag-aasikaso ng bahay, ng handa, at ng mga regalo na ipapamigay sa araw ng pamasko. Excited at the same time kase another year to celebrate the Christmas with our close friends, though we are away from our family still I am lucky ‘coz I have my husband and good friends to celebrate and enjoy the Christmas season.

===

3 jhune santiago 1
Dr. Jhune Santiago, Optometrist
It’s a matter of getting used to this set up. I’ve been experiencing this for a decade already. And it’s not just Christmas for that matter. When you’re in a retail industry, swerte mo na pag na tapat ang holiday sa off mo. Christmas naman is something na you can celebrate anywhere nasa bahay ka man o nasa work. Ang importante is ramdam mo kung ano ang true spirit of the occasion.

===

4 joel hualde 1
Joel O. Hualde, Nurse
As nurse, our nature is to render our duty at any time and any day. If I can’t take off or vacation that day, work has to continue but the most important thing after a day’s work – we should attend mass in the Church. Work is blessing to all of us so we have to be thankful for this opportunity given to us.

===

5 jason quizon 1
Jason Quizon , Quality Manager
Mahirap pero you get used to it, I got used to it. I’ve been working in the UAE, again now for almost 3 years. I was here last in 2008, but all in all mag 16 years na ako in the Middle East. I remember the first time I experience Christmas away from home back in 2003 and that was in Saudi. Unlike here in the UAE wala talagang hint na pasko na dun especially sa public places. It was depressing and add to that may pasok pa sa work. When I moved here back in 2007, it was different, may mga Christmas decors sa mga malls and even Christmas songs sa radio, kahit papano you get to have a feel of the holidays. But then Iba pa rin yung Pasko sa Pinas. Simbang gabi with loved ones, yung simoy ng hangin, mga parol sa daan, everything around you tells you its Christmas! The food, especially in Pampanga during Christmas is really something special.
Here in the UAE, we have to make the most of what we have. Di pa rin naman officially holiday ang Pasko so may work pa rin kahit papano. I am just fortunate that our company allows us to work half day during Xmas. We celebrate with friends and in my case andito family so kahit papano yung diwa ng Pasko is andun pa din. The night before Christmas and that afternoon during Christmas itself spent with loved ones ok nay un. That makes me happy, yun naman ang diwa ng pasko eh, to be with your loved ones.

===

6 rommel carpio 1
Rommel A. Carpio, Office Assistant
Syempre malungkot’ kase hinde naman tayo nagtatrabaho stin ng pasko’ wala namang choice kase nga trabaho although may options naman na mag bakasyon kaya lang mahal ang ticket at the same time magastos. Sa tinagal tagal ko dito, nasanay na rin na kapag sasapit ang kapaskuhan ay yong mag simba magdiwang lang ng noche buena kunting salo2x with flatmates at tulugan n agad kase nga karamihan may pasok ng pasko. Pero on the other side’ masaya rin kase may trabaho tayo, para may maipadala tayo sting mga pamilya sa pinas, dba nga kaya tayo nag sakripisyo is para sa kanila, at ipagpasalamat na kahit papano is isa tayo sa mga pinalad na hanggang ngayon ay naririto pa sa uae at may trabaho.

===

7 jessa dela pena 1
Jessa Dela Peña, Admin Assistant
Sad. Kasi Christmas is all about love and family. Hindi makapagsaya masyado kasi malayo sa pamilya nasa Pinas. But at the same time okay nalang kasi ginagawa mo naman lahat ng sacrifices mo for the family.

===

8 lourdes colindres 1
Ma. Lourdes Colindres, Nurse
Mahirap,malungkot at mabigat sa dibdib na kahit pasko patuloy pa rin ang pag tatrabaho. Bilang isang ina gusto ko rin sanang makapiling ang dalawa kong anak na nasa Pilipinas, kaso sa panahon ngayon kailangan muna mag tyaga at mag tiis para sa kanilang kinabukasan. Maligayang Pasko ang Manigong Bagong Taon!

===

9 Robert Sy 1
Robert Sy, Graphic Designer
Maglalaba na lang siguro at amtutulog. Sa hapon, baka magsimba. Sanayan lang naman yang mag-Pasko sa ibang bayan.”

Neil Bie

Neil Bie was the Assistant Editor for The Filipino Times, responsible for gathering news that will resonate among OFW readers in the UAE, Philippines, and around 200 countries, where the platform reaches both Filipinos and worldwide audiences. ||| Get in touch with Neil at: Facebook: Neil Bie ||| or by sending a message to the Facebook page of The Filipino Times at: https://www.facebook.com/FilipinoTimes/

Related Articles

Back to top button