Top Stories

List of Dubai Metro violations and fines

The Road and Transport Authority released a list bearing the violations and its corresponding fines when riding the Dubai Metro.

Here’s the list of offenses and fines that await offenders:

MULTA: AED100
1.Pagdudulot ng abala o purwisyo, sa mga pasahero
2. Pagpasok sa mga pribadong espasyo o pag-okupa sa mga upuan na nakalaan sa mga partikular na pasahero
3. Pagpapatong ng paa sa mga upuan
4. Pagkain at pag-inom sa loob ng metro at sa ibang ipinagbabawal na lugar
5. Paggamit ng elevator o escalators sa maling paraan
6. Pag-akyat o pagtalon sa loob ng metro o sa istasyon
7. Pagsuway sa mga alituntunin ng RTA sa paggamit sa mga pasilidad sa metro
8. Pagpasok sa mga ipinagbabawal na lugar sa istasyon ng metro
9. Pagbubukas ng pinto o pagbabalak bumaba habang umaandar ang metro
10. Pagdadala ng anumang hayop sa metro, maliban na lang sa mga asong gumagabay sa may kapansanan sa mata
11. Pagdadala o paggamit ng mga kagamitang magdudulot ng gulo o magiging banta sa kaligtasan ng mga pasahero
12. Pagtayo o pag-upo sa paligid at loob ng metro na hindi nakalaan para sa mga pasahero
13. Pagparada ng sasakyan sa espasyong nakalaan sa mga pasahero sa mahigit na 24 oras

 

MULTA: AED200
1. Pasakay sa metro nang walang ‘valid ticket’
2. Paggamit ng ‘personalized travel cards’ na pagmamay-ari ng iba
3. Hindi pagsunod sa utos ng inspektor o awtorisadong opisyal ng RTA
4. Paggamit ng ‘expired’ o ‘invalid’ Nol card
5. Pagbebenta ng Nol card nang walang pahintulot ng RTA
6. Pagdura, pagkakalat, o pagdudumi sa loob ng pampublikong transportasyon at sa paligid nito
7. Paninigarilyo sa loob ng tren at sa paligid nito
8. Pagdadala ng armas, mga gamit na umaapoy, o mapanganib na bagay sa loob ng metro at istasyon
9. Pagdadala ng alak sa loob at paligid ng pampublikong transportasyon
10. Pagbebenta sa loob ng metro
11. Panggugulo sa drayber o pagdudulot ng anumang sagabal sa pampublikong transportasyon

 

MULTA: AED250
1.Pagparada ng sasakyan sa espasyong nakalaan sa mga pasahero nito sa mahigit na 48 oras

 

MULTA: AED300
1.Pagtulog sa ‘waiting area’ o masisilungan sa anumang bahagi ng istasyon

 

MULTA: AED500
1.Paggamit ng pekeng NoI card o NoI ticket
2.Pagsira, pagsusulat, o pangingialam sa mga aparato o kagamitan ng metro o istasyon

 

MULTA: AED2,000
1.Paggamit ng ‘emergency buttons’ nang hindi kinakailangan

Related Articles

Back to top button