News

FAQs: Paano kaming mga seaman na nasa Pilipinas at naabutan ng expanded community quarantine?

TANONG:
Paano kaming mga seaman na nasa Pilipinas at naabutan ng expanded community quarantine?
SAGOT:
Ang Maritime Industry Authority (MARINA) nagpalabas ng guidelines para sa marinong Pilipino natin na naabutan ng expanded community quarantine sa Luzon.
1. Ang STCW certificate na nag-expire March 13 hanggang April 13, 2020 ay i-extend ng two buwan mula sa expiration date. Mga manning agency ng marino ang maglalakad nito
2. Ang mga online application para sa COP/ COC/ COE ay tinatanggap pa rin
3. Para sa mga may confirmed appointment mula March 13 hanggang Abril 13 para mag-apply ng COP/COC/COE, maaaring bumalik sa Marina simula Abril 15. Magpo-post ang Marina ng bagong schedule sa kanilang website at social media
4. Lahat ng maritime training ay suspendido rin hanggang April 13 o kung kailan matatapos ang community quarantine
Para sa iba pang katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]. May tinalaga ring hotline ang DOTr para sa katanungan hinggil sa COVID-19. Para sa Maritime sector, maaaring tawagan ang 02-79802394 o 0917-8768594.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button