Viral kamakailan sa social media ang post ng isang babaeng nag-selfie habang hindi nakasuot ng face mask sa loob ng MRT sa Pilipinas.
Ang naturang insidente ay nakarating sa Department of Transportation – Metro Rail Transit 3 (DOTr-MRT 3). Hinihikayat ngayon ng naturang ahensya ang publiko para tulungan silang matunton ang naturang babae para masintensyahan.
RELATED STORY: DILG pushes for wearing of face masks at home to stop spread of COVID-19
“We deem the passenger’s action not only reckless and insensitive, but also posed a possible threat to the health of her fellow passengers. We condemn such wanton disregard on these health and safety measures. Hence, we now ask the public’s assistance for information to identify the woman on the video, for investigation and filing of appropriate charges due to violations of the public health and safety protocols,” ayon sa pahayag mula sa DOTr-MRT 3.
Sinsigurado naman ng mga otoridad na titignan din nila kung may pagkukulang sa kanilang mga taong dapat ay nagbabantay sa mga pasahero nang mga panahong iyon.
READ ON: WATCH: WHO urges vaccinated individuals to continue wearing masks, practice preventive measures
“Transport marshals have the authority to order commuters who will deliberately disregard health rules, to get off transport vehicles, stations, and terminals. An investigation is likewise being conducted to determine if there was any neglect on the part of the transport marshal on duty,” dagdag ng pahayag mula sa DOTr-MRT 3.
Pinapaalalahanan ng mga otoridad ang mga pasahero na dapat ay laging sumunod sa mga patakaran ng gobyerno, lalo na sa mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Simple Health protocol that you can't follow
#MRTStation
Posted by Jhona Sy on Thursday, March 18, 2021