With the inhabitants nearby Taal Volcano’s danger zone fled for their safety, no one can deny their underlying anticipation for a comfortable place to stay despite being away from their home.
On January 15, a netizen identified as Jan Faye Opeña from Laguna posted some photos showing the organized tents at an evacuation site in Sta. Rosa.
She happily shared that one of the residents told her that they do not have to worry about the food supply in the shelter.
“Flex ko lang, ganda kasi. Kausap ko yung isa sa mga evacuees dito kanina and sabi niya maya’t-maya daw ang kain nila, hehe. Hindi nila problema dito ang foods. Sila po ay mga taga-Malvar, San Juan. Isang barangay sila,” she captioned.
Her fellow netizens couldn’t help but be in awe with the organized modular tents that are still in good condition.
“Pagkasama-sama, tulungan, kahit paano, aangat din tayo. Amen!” a user exclaimed.
“Super ganda ng tent nila. Ganyan dapat may division bawat pamilya. Sana lahat ganyan sa mga evacuation centers,” one lauded.
“Ang ganda naman[,] hindi magulo tingnan kasi may kanya-kanyang pwesto,” another commented.
Her Facebook post has garnered 13,000 reactions and 16,000 shares as of its posting.
Abalos: Tanggalin ang e-VAT sa kuryente para mapababa ang singil at maparami ang trabaho
Photo courtesy: Benhur Abalos/Facebook

Nangako ang dating Kalihim ng DILG at Senatorial candidate na si Atty. Benhur Abalos Jr. na pagsisikapan niyang tanggalin ang expanded value-added tax (e-VAT) sa kuryente para mapababa ang singil sa kuryente na maaari ring mag resulta sa pagdami ng trabaho para sa mga Pilipino.
Mas makatitipid and bawat pamilyang Pilipino
Sa kasalukuyan, dahil sa 12% e-VAT, ang isang bahay na gumagamit ng 200 kWh sa halagang P12.29 per kWh ay nagbabayad ng P2,752.98. Kung aalisin ang e-VAT, magiging P2,458.02 na lang ito kaya makakatipid ng halos P300 kada buwan. Ang bawat pisong matitipid ng bawat pamilya ay mangangahulugang mas maraming budget na rin sa kanilang makakain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Mas madaming trabaho para sa bawat Pilipino
Ayon kay Abalos, mataas ang singil sa kuryente kaya nahihirapan ang mga negosyo na lumago sa bansa. Kung aalisin ang 12% e-VAT sa kuryente, naniniwala siyang mas maraming kumpanya ang mamumuhunan, na magdadala ng mas maraming trabaho at paglago ng ekonomiya.
Aminado si Abalos na mawawalan ng kita ang gobyerno kung aalisin ang buwis na ito. Pero ayon sa kanya, ang paglago ng negosyo at pagdami ng trabaho ang magiging kapalit nito na higit na makakatulong sa mamamayan.
“May kapalit ‘yan. Dadami naman ang ibang klaseng negosyo. Dadami ang trabaho sa tao, at magiginhawaan ang tao,” sabi niya.
Aksyon sa pagtangal ng e-vat sa kuryente
Matagal nang tinututulan ni Abalos ang VAT sa kuryente. Noong 2005, bilang kongresista, bumoto siya laban dito dahil naniniwala siyang magdudulot ito ng pagtaas ng bilihin at mas mabigat na pasanin sa mga Pilipino.
“I will file a bill na tanggalin, at the very least, yung e-VAT sa kuryente. Bakit? Once matanggal mo yan, dadami ang mga kompanyang papasok,” sabi ni Abalos sa ABS-CBN News.
“How can you promote manufacturing and other kind of things kung doon pa lang sa kuryente, talo ka na,” dagdag niya.
Matatandaan na matapos maipasa ang e-VAT law, agad siyang naghain ng resolusyon para ipagpaliban ito ng dalawang taon, lalo na sa kuryente at gasolina, para mapagaan ang gastusin ng mga negosyo at pamilyang Pilipino.
Kung mananalo bilang senador, nangako si Abalos na itutuloy ang laban para pababain ang singil sa kuryente at gawing mas madali ang pagnenegosyo sa bansa upang makalikha ng mas marami pang trabaho para sa bawat Pilipino.