Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

Employee sa UAE tatanggap ng halos AED100,000 matapos maipanalo ang labor case

Isang restaurant manager sa Ras Al Khaimah ang makatatanggap ng halos AED100,000 mula sa dating pinagtatratrabahuhan matapos maipanalo ang labor case laban dito.

Tinanggal ang manager sa restaurant Hunyo noong isang taon na hindi dumaan sa tamang proseso at sa kabila ng kanyang kontrata.

Bukod dito, hindi rin sya nakatatanggap ng sweldo sa loob ng ilang buwan bago sa i-terminate sa trabaho.

Ayon sa kanya, wala ring balak ang restaurant na bayaran ang kanyang end of service gratuity na sadyang ibinibigay ng anumang kumpanya sa UAE sa mga katulad na kaso.

Ikinatuwiran ng restaurant na hindi arbitrary termination ang nangyari. Pinaalis umano nila ang manager dahil ng ilang “criminal offense” na nagresulta umano sa pagkawala ng malaking kita sa restaurant.

Gayunman, hindi napatunayan ng restaurant sa korte ang mga paglabag ng manager sa labor code.

Pinagbabayad ng RAK Labor Court ang restaurant ng AED71,529 katumbas ng mga hindi naibigay na suweldo sa manager, kasama na ang iba pang labor dues.

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang restaurant ng hanggang AED25,500 para sa arbitrary dismissal.

RELATED NEWS:

‘B-day gift mo pero ako magbabayad?’: Misis sa Abu Dhabi, kinasuhan ng mister dahil sa di pagbabayad ng regalong kotse

Babaeng turista sa Dubai, nahulihan ng shabu sa bote ng shampoo

Ina, nireport ang anak na batak sa droga kasama ang nobyo sa UAE

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button