Isang 56-anyos na babaeng turista sa Dubai ang nahulihan ng methamphetamine o mas kilala sa tawag na shabu na nakalagay sa loob ng bote ng shampoo.
Natuklasan ang 746 na gramo ng shabu nang dumaan sa scan ang kanyang mga bagahe sa Dubai airport.
Dahil sa suspetsang may lamang droga ang kanyang bagahe, pinabuksan ito ng mga otoridad at inisa-isa ang kanyang mga gamit.
Noong una’y itinanggi pa ng turista ang hinala ng mga otoridad. Pero hindi na nya ito naikala ng matukoy ang bote ng shampoo kung saan nya isinilid ang shabu na nakabalot sa maliit na pakete.
Inakyat na sa public prosecution ang kasong drug smuggling na isinampa laban sa babae.