Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

‘B-day gift mo pero ako magbabayad?’: Misis kinasuhan ng mister dahil sa di pagbabayad ng regalong kotse

Isang mister na nagregalo sa kanyang misis ng kotse ang nagsampa ng kaso sa korte sa Abu Dhabi.

Kuwento ng lalaki, niloan nya ang kotse bilang regalo sa kanyang asawa noong sumapit ang kaarawan nito. Binayaran lang ni mister ang down payment para rito.

Nais nyang si misis na ang magtuloy ng buwang hulog para sa kanyang birthday gift. Pero tumanggi ang kanyang asawa na bayaran ang natitira pang balanse na AED107,977.

Iginiit nya sa korte na dapat si misis na ang magbayad ng kotse dahil nasa pangalan naman nito ang lisensya ng sasakyan.

Buwelta naman ng babae, hindi sya dapat magkaroon ng pananagutan na bayaran ang isang bagay na iniregalo lamang sa kanya.

Dagdag pa nya, hindi sya tatanggap ang isang regalo kung alam nyang sya rin naman pala ang magbabayad nito sa huli.

Ikinatwiran din ni misis na isa syang housewife at walang pagkukunan ng perang ibabayad sa sasakyan.

Kinatigan ng korte ang babae at ipinag-utos sa asawa nito na bayarang ang buong balanse ng iniregalo nyang sasakyan.

Sa kabila nito, nais ang korte na magkaayos sila bilang mag-asawa lalo na’t pinagtibay ng kasal ang kanilang relasyon.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button