Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

Paggamit ng apelyido ng ina, papayagan na para sa mga legitimate children—Korte Suprema

Papayagan na ngayon ang mga legitimate children, o mga anak ng isang legal na mag-asawa, na dalhin ang apelyido ng kanilang mga ina.

Ito ay base sa isang bagong labas na desisyon ng Korte Suprema (SC) sa petisyon ng isang Pinoy sa kasong ‘Alanis vs. Court of Appeals’.

Bata pa lamang ay ginagamit na ni Anacleto Ballaho Alanis III ang apelyido ng kaniyang ina na si Jamilla Imelda Ballaho, ayon sa ulat ng GMA News.

Ayon sa kanya, 5-anyos pa lamang siya nang iwan sila ng kaniyang ama na si Mario Alanis. Kasal sina Mario and Jamilla.

Dahil dito, nais ni Anacleto na gawing legal ang paggamit nya sa apelyido ng kanyang ina bilang pagpapahalaga sa pagtataguyod nito sa kanilang magkakapatid mula ng abandonahin sila ng kanyang ama.

Kaya’t minabuti ni Anacleto na ipetisyon ito sa Branch 12 ng Regional Trial Court (RTC) sa Zamboanga City.

Bukod dito, nais din niyang palitan ang kaniyang pangalan bilang “Abdulhamid” mula sa kasalukuyang “Anacleto”.

Pero hindi ito pinayagan ng RTC at Court of Appeals hanggang umakyat ang petisyon sa Korte Suprema.

Sa 15-pahinang desisyon ni Justice Marvic Leonen sa kaso, tinukoy niya ang “fundamental equality” o pantay na pagtingin sa ilalim ng Saligang Batas sa mga karapatan ng kababaihan at kalakakihan.

Ayon sa mahistrado, hindi umano naging patas ang trial court sa pagbalanse sa karapatang ito sa pagitan ng isang ina at ama.

“…the provision [in the 1987 Constitution] states that legitimate children shall ‘principally’ use the surname of the father, but ‘principally’ does not mean ‘exclusively.’”

Dagdag pa nya, hindi na dapat magpatuloy pa ang patriyarka sa sistema ng batas o sa lipunan.

“The trial court’s reasoning further encoded patriarchy into our system. If a surname is significant for identifying a person’s ancestry, interpreting the laws to mean that a marital child’s surname must identify only the paternal line renders the mother and her family invisible. This, in turn, antiquated gender roles: the father, as dominant, in public; and the mother, as a supporter, in private,” sabi sa desisyon.

Bukod sa mga lehitimong anak, maaari ding gamitin ng illegitimate children ang apelyido ng kanilang ina na hindi sila ikokonsidera na “illegitimate”.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button