TANONG: Pwede pa ba mag-apply ng passport ?
SAGOT:
Pilipinas:
Suspendido po ang mga opisina ng gobyerno kabilang na riyan ang Department of Foreign Affairs
Kaya sa mga may appointment na para mag-apply ng passport hanggang Abril 14, maaari lamang silang bumalik sa DFA o mga regional offices nito pagkatapos ng quarantine period.
RELATED STORY: Pwedeng bang sumundo ang kamag-anak ko sa airport?
Pagna-lift na ang quarantine, hindi na po kailangan magpa-reschedule pa ng bagong appointment sa DFA. Tatanggaping walk-in applicants ang may confirmed application sa loob ng mga araw ng nasailalim sa community quarantine ang Luzon at Metro Manila.
Sa mga gustong magpa-schedule ng appointment pagkatapos ng lockdown para mag-apply ng passport, maaari pa rin itong gawin ngayon via online https://www.passport.gov.ph/appointment. Tandaang, kailangan magbayad muna sa mga piling payment center tulad ng Bayad Center, mga department store, 7-11, G-Cash, mga pawnshop, atbp.
READ ON: FAQs: Pwede ba akong pumunta sa UAE mula sa Pilipinas sa ngayon?
UAE at sa ibang bansa:
Sa mga Pilipino na nasa ibang bansa, maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Embahada o konsulado. Tumawag muna sa hotline o i-check ang Facebook page kung bukas pa sila at alamin ang mga kailangang gawin para maiwasan ang COVID-19. Maaaring matagalan lang ang pagpapadala ng mga pasaporte sa ibang bansa ngayon dahil sinara ang mga opisina ng gobyerno at maraming flight ang naantala.