News

FAQs: Kung galing ako probinsya, makakasakay pa ba ako palabas ng Pilipinas?

TANONG:
Kung galing ako probinsya, makakasakay pa ba ako palabas ng Pilipinas?
SAGOT:
Kung galing po kayo ng Visayas o Mindanao, hindi na po kayo makakabyahe sa NAIA o Clark international airport sa ngayon dahil wala na pong lumilipad na eroplano pang domestic flight at pinagbabawal na rin ang mga barkong bumyahe papuntang Luzon.
Sa ngayon ginagawan ng paraan ng Department of Tourism ang mga banyagang turista na stranded sa Visayas o Mindanao. Hindi pa po malinaw kung isasama na rito ang ibang kababayang OFW na may confirmed flight ticket pabalik ng bansang pinagtratabahuan nila.
RELATED STORY: More countries ban travelers as COVID-19 spreads worldwide
Kung galing po kayo ng ibang probinsya sa Luzon, mangyari lang po na magpakita ng inyong ticket sa checkpoint area. Dapat sa loob ng 24 oras na po ang nakatakdang flight schedule nyo bago kayo makapasok ng Metro Manila.
Gayunpaman, paki-check pa rin po ang mga bansang babalikan ninyo. Baka po hindi na rin po pinapayagan ang mga banyaga na makapasok dun dahil sa lumalalang pagkalat ng COVID-19. Ang iba naman po, humihingi muna ng mga medical clearance at iba pang dokumento bago kayo payagang makabalik sa kanilang bansa.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button