Latest NewsNewsPH NewsTFT News

Robredo, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Abalos sa Senado

Daing Bise President Leni Robredo kasama si dating DILG Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos

Nanawagan si dating Vice President Leni Robredo sa mga kapwa niya taga-Naga na iboto si dating DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa darating na halalan, bilang pagkilala sa tulong na naibigay nito sa lungsod sa mga nakaraang taon.

Ipinahayg ni Robredo and kanyang suporta noong April 23, kasabay ng kanyang kaarawan, matapos ang isinagawang courtesy visit ni Abalos habang ito’y nangangampanya sa Bicol.

“Matagal na po natin siyang kaibigan, naging Mayor siya ng Mandaluyong ng matagal na panahon, naging DILG Secretary po siya—isang napakagaling na DILG Secretary—at naging MMDA Chairman. Ngayon ay tumatakbo siyang senador,” ani Robredo.

“Nung Bagyong Kristine pabalik-balik siyang nagatabang, ano lang pati, silencio lang na nagtatabang,” wika ni Robredo sa salitang Bicolano.

(Noong Bagyong Kristine, paulit-ulit siyang bumalik para tumulong. Tahimik lang siya pero laging nandiyan.)

“Kaya po kapag ito ay naging Senador ay siguradong tutulungan nya tayo kaya tutulungan din natin sya,” dagdag ng dating VP.

Si Abalos ay nagsilbi bilang kalihim ng DILG—isang posisyong minsan na ring hinawakan ng yumaong asawa na si Jesse Robredo. Dito, pinangunahan niya ang mga reporma sa hanay ng pulisya at mga operasyon laban sa mga high-profile na kriminal.

Isa rin sa mga pinuri ni Robredo ang award-winning na “Cemetery of Life” sa Mandaluyong, na isinulong sa ilalim ng pamumuno ni Abalos.

Sa kanyang pagbisita, hinangaan niya ang proyekto dahil nagbibigay ito ng maayos na himlayan at pinananatili ang dignidad ng mga yumao. Aniya, magandang modelo ito para sa mga lungsod na nais ayusin at pagandahin ang kanilang mga pampublikong sementeryo.

Ngayon, kabilang sa mga isinusulong ni Abalos ang pagtanggal ng VAT sa kuryente para mapababa ang singil, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law upang mas maprotektahan ang mga lokal na magsasaka, at ang pagbabawal ng commercial fishing sa loob ng 15-kilometrong municipal waters.

Sa kanyang mensahe sa publiko, muling hinimok ni Abalos ang mga botante na maging mapanuri.

“Suriin nating mabuti ang ating mga kandidato. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang ating bansa sa susunod na anim na taon. Tingnan natin ang kanilang mga nagawa at mga plataporma,” wika ni Abalos.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button