Latest NewsNewsTFT News

Top 4 daing at hiling ng mga OFWs para kay president-elect Bongbong Marcos

Prayoridad ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pangalagaan ang pamilya lalo na ang mga anak ng mga OFw, pati na ang mga returning migrant workers o mga OFW na ‘for good’ na sa Pilipinas, bilang isa sa mga pangunahing mandato ng bagong lunsad na Department of Migrant Workers (DMW).

“Alagaan yung OFWs at yung pamilya. Mag-roll out kami ng programa. Kumonsulta ako sa mga spesyalista kung paano maalagaan din yung mga pamilya. At very concerned siya sa mga anak, yung mga anak na parehong magulang ang wala.” ayon sa pahayag ni DMW Secretary-designate Susan “Toots” Ople.

Sa Facebook Page ng The Filipino Times, aming nilikom ang iba’t ibang mga hinaing at daing ng ating mga kapwa OFWs ukol sa mga patakaran at kanilang suhestyon para bigyang pansin ng administrasyong Marcos na magsisimula na ang trabaho sa bansa sa darating na July 1.

Pension para sa mga OFWs. Kabilang sa mga hangarin ng mga OFWs ay ang magkaroon ng pension matapos makapagtrabaho sa ibang bansa nang isang dekada, lalo na sa mga Pinoy na nag desisyon nang mag-‘for good’ sa Pilipinas.

daing hiling ofw 1

“Sana mga OFW na 10 years above nang nasa ibang bansa ay may makukuha ma nlang sa gobyerno after mag for good. Kasi karamihan kahit matagal na, wala pa ring ipon,” ayon kay Maryjane Badao.

daing hiling ofw 2

“Mas mabuti pa bigyan niyo ng pension mga OFW pg umabot ng 10 years sa abroad at ayaw na bumalik,” ayon naman kay Marevic Langit.

Scholarships para sa mga anak. Kabilang sa mga pangunahing rason ng mga nanay at tatay na OFW ay para tustusan ang pagaaral ng kanilang anak. Kaya naman panawagan ni Mercidita Lagunaso, ay maging scholar sana ang mga anak ng mga OFW.

daing hiling ofw 3

“Sana nga kahit yong mga anak namin ma-scholar man lang na walang pinipili. Pag OFW ang nanay o tatay diretso na basta active sa OWWA at active OFW. Once nag hinto bilang OFW, hinto din kaagad ang scholarship,” ani Lagunaso.

daing hiling ofw 4

Hirit naman ni Clariz Rosario, sana ay magkaroon din ng free entrance tests para sa mga anak ng OFW.

“Kahit free entrance text lang sa mga anak namin sa mga university ay okay na po kami,” ani Rosario.

Tanggalin ang OEC. Sa ngayon ay kabilang sa proseso na kinakailangan pag magbabaksyon at babalik sa UAE o saan mang sulok ng mundo bilang OFW ay ang pagkuha ng Overseas Employment Certificate o OEC. Daing ng mga OFWs, nakapaloob naman na ito sa kanilang Visa at Emirates ID.

daing hiling ofw 5

“Hiling lang namin tanggalin napo lahat ng pahirap sa aming mga ofw. Pag kuha ng OEC, pag pa-verify ng contract, pag ibig, Phihealth at OHP na yan. Nakaka stress po mga yan hindi bale sana kung pag punta mo sa consulate hindi pahirapan,” ani Sally Castrillo.

daing hiling ofw 6

“Tanggalin na yang OEC at Contract Verification. Uuwi na nga lang ang mga OFW sa Pilipinas, kung anu anu pang mga papeles ang mga kinakailangan. Dagdag stress pa sa mga OFW na uuwi,” ani Kenn Bry.

Dagdag ni Arnel Carin, hindi naman lahat ng mga OFW ay nagtatagal sa iisang employer kaya dagdag sa iniitindi ng mga OFW ang OEC kapag uuwi sila ng Pilipinas.

daing hiling ofw 7

“Karamihan sa mga OFW ay short contract lang at palipat-lipat ng trabaho at employer. Nakakaabala yung tuwing uuwi ka ng Pinas ay magpapaappoint ka pa sa POEA para makakuha ng OEC at bago yan ay kailangan mo pang magpaverify ng kontrata sa POLO bago umuwi ng Pinas. Tanging Pilipinas lang yata ang gumagawa ng ganyan,” ani Carin.

Voluntary at mas mababang bayarin sa PhilHealth. Bawat kumpanya ng mga OFW sa UAE ay may mandato ng gobyerno ng bansa na bigyan ng health insurance – kaya naman kalimitan ng mga OFW ay kinukwestyon kung bakit nga ba kailangan pang magbayad ng karagdagang insurance ng PhilHealth, gayong wala di umano silang pakinabang dito – lalo na’t muling nagtaas ang bayad nito ngayong buwan ng Hunyo ayon sa mandato ng Universal Healthcare Law.

daing hiling ofw 8

“Yung PhilHealth, dapat kung ano ang normal na binabayaran ng isang ordinaryong Filipino, dapat ganoon din sa atin na OFW dahil majority naman sa mga OFW ay hindi nakikinabang sa PhilHealth na yan,” ayon kayo Zeana Angie.

daing hiling ofw 9

“Yung PhilHealth okay lang naman magbayad, pero yung dapat hindi kasing mahal kasi, huwag naman sana pero, magagamit naman ito sa aming mga beneficiary sakaling ma hospitalize sila,” ani Angie Famini.

Neil Bie

Neil Bie was the Assistant Editor for The Filipino Times, responsible for gathering news that will resonate among OFW readers in the UAE, Philippines, and around 200 countries, where the platform reaches both Filipinos and worldwide audiences. ||| Get in touch with Neil at: Facebook: Neil Bie ||| or by sending a message to the Facebook page of The Filipino Times at: https://www.facebook.com/FilipinoTimes/

Related Articles

Back to top button