Latest NewsNewsTFT News

Dalawang katao, arestado sa Dubai matapos magbigay ng pekeng resulta ng COVID-19 test

Arestado ang isang investor at isang empleyado ng isang airline sa Dubai sa salang pagbibigay ng pekeng resulta ng COVID-19 PCR test.

Ayon sa imbestigasyon at mga pahayag, tinanong ng isang empleyado ng airline ang naturang 32-anyos na investor para magpakita ng negatibong resulta ng PCR test dahil ang nauna nitong pinakita ay expired na.

RELATED STORY: Stop COVID-19 Fake News

Nang makabalik ang investor matapos ang kalahating oras ay nagpakita ito ng kanyang panibagong resulta. Pero nang sinuri ng mga otoridad – nalaman na peke ang binigay ng taong ito.

Napagalaman ng mga otoridad na pinalitan lamang ang petsa sa papel ng investor ng isang 38-anyos na empleyado ng airline.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang taong nagkasala habang hinihintay ang kanilang paglilitis.

READ ON: Six tourists arrested in Boracay for fake COVID-19 tests

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button