Latest NewsNewsTFT News

3 lalaking naka-droga, nakulong at magmumulta ng AED 50,000 matapos subukang manghalay sa Abu Dhabi

Tatlong lalaki ang nahuli ng mga otoridad sa Abu Dhabi dahil sa paggamit ng bawal na droga at panghahalay sa mga babae.

Nakatanggap ang Abu Dhabi Police ng reklamo mula sa ilang mga biktima ukol sa ginawa ng tatlong lalaking di umano’y wala sa tamang katinuan.

Tinutukan di umano ng kutsilyo ang unang biktimang lalaki para ilayo sa mga kasama nitong mga babae habang sinimulan nang halayin ng dalawapang suspek ang mga babaeng biktima.

RELATED STORY: Dubai visitor faces court for smuggling drugs

Nakatakas ang isa sa mga babaeng biktima mula sa panghahalay at agad na inalerto ang mga otoridad ukol sa mga pangyayari. Nang dumating ang mga pulis, nagtangkang umalis ang tatlong suspek ngunit inabutan sila ng mga otoridad.

Ang unang suspek na si M.M. ay makukulong ng tatlong taon at magmumulta ng AED 50,000 dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Madaragdagan ang kanyang taon sa selda dahil sa pagsalpok ng kanyang sasakyan sa sasakyan ng isang pulis nang magtangkang tumakbo mula sa mga otoridad.

Napag-alamang nakadroga ito nang mangyari ang salpukan kaya naman nadagdagan ng anim na buwan pa ang kanyang pagkakabilanggo at karagdagang multa na AED 30,000.

READ ON: Drug smuggler in Dubai sentenced to 10 years in jail, deportation

Bukod dito, nasuspende ang driving license ng lalaki at pinagbawalan nang makakuha muli ng lisensya para makapagmaneho.

Ang pangalawang suspek naman na si S.M. ay makukulong ng tatlong taon habang ang pangatlong suspek na si A.S. ay makukulong ng dalawang taon. Ang dalawang ito ay pinagmulta din ng AED 50,000 bawat isa.

Nahaharap ngayon ang tatlo sa patong-patong na kasong attempted rape, charges of deprivation of liberty at criminal involvement dahil sa panghahalay at paggamit ng droga.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button