Coco Martin sees no issue on who will be hailed as this year’s Metro Manila Film Festival 2019 top grosser.
“Honestly, walkasi akong isyu kung sino ang mag-number one o number two!,” Coco said in a press conference.
Vice Ganda, who happens to be Coco’s goodfriend said that ‘The Mall, The Merrier’ will be the number one movie in this year’s MMFF and Coco’s 3pol Trobol: Huli Ka Balbon would be first runner-up.
“Iisipin mo pa ba ‘yun sa dami ng iniisip ko. Basta excited ako ngayon. Kung alam mong maganda ‘yung produkto mo, excited kang i-announce sa mga tao at confident, di ba?” the actor said.
“Sige na, kayo na, mauna na kayo basta alam ko pagkatapos ng filmfest, proud ako sa ginawa ko lalung-lalo na ako ang nagdirek saka ako ang nagsulat tapos ako nag-produce, at alam kong hindi ako napahiya sa co-actors ko kasi artista rin ako, alam ko kung pangit ‘yung pelikulang ginawa ko, ang lungkot tapos hindi ka na nila gustong makatrabaho. E, eto proud ako at confident ako,” he added.
Coco also revealed the challenges of resurrecting the character of Paloma, his woman version in the hit teleserye FPJ’s ‘Ang Probinsyano’.
“Gusto ko kasi ibang Paloma ang mapapanood dito kasi nga nagawa ko na sa Probinsyano kaya sasagarin ko na. Ito na ang pinakamahirap na pelikulang ginawa ko, in terms of being an actor kasi ang hirap magbihis-babae,” he added.
He also revealed that he has a ‘butt scene’ with Kapuso actress Jennylyn Mercado.
“Nu’ng i-pitch ko kasi kay Jennylyn ang concept sabi ko, ‘Jen madali lang ‘yan, may eksena tayo magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos ako rin naka-swimsuit at naka T-back.’ Siyempre sinabi ko ito kay Jen para pumayag siya. Kaya kailangan kong panindigan kasi mapapahiya naman ako sa kanya kapag hindi ko ginawa kaya ginawa na namin,” he added.