Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

Lalaki sa Dubai, pinabugbog ng sariling fiancée para pagnakawan ng AED150,000

Wanted sa Dubai ang isang babaeng utak umano sa likod ng pagpapabugbog at pagnanakaw sa kanyang sariling fiancé.

Ayon sa biktima, kasama pa nya ang kanyang nobya sa loob ng kanyang apartment ng mangyari ang insidente noong Oktubre.

Isang katok sa pinto ang nagbukas ng oportunidad sa tatlong na kalalakihan na pawang miyembro pala ng isang African gang para makaasok sa kanyang apartment.

Sa gitna ng pag-atake sa kanya ng mga suspek, tumayo ang kanyang nobya at tinutukan umano sya nito ng patalim. Tinakot syang papatayin kung hindi bubuksan ang kanyang money safe.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na matagal nang pinagpaplanuhan ng babae kung paano malilimas ang pera ng biktima na manager sa isang kumpanya.

Nasa AED150,000 at $8,000 cash ang natangay mula sa biktima. Maging ang kanyang passport ay tinangay din ng grupo.

Nadakip na ang dalawa sa tatlong na miyembro ng African gang na kinuntyaba ng nobya ng lalaki para sya’y pagnakawan. Pero hindi pa rin nahuhuli ang babae ang isa pang miyembro ng grupo.

Pag-amin ng dalawang nakapiit ng suspek, nahatian sila ng AED7,000 at AED30,000.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button