Patay ang isang Emirati matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang kotse, 11:30 ng gabi noong Linggo sa Al Fusail sa Fujairah.
Agad rumesponde ang mga miyembro ng pulisya at ambulansya pero idineklarang dead on the spot ang lalaki.
Ayon kay Col. Saleh Mohammed Abdullah Al Dhanhani, director of traffic and patrols department ng Fujairah Police, inaalam pa ang sanhi ng aksidente.
Noong Huwebes, dalawang magkapatid na Emirati, edad 27 at 17, din ang namatay dahil naman sa pagtaob ng kanilang sasakyan sa Emirates Bypass road sa Ras Al Khaimah.
Sa tindi ng aksidente, dead on the spot din ang isa sa magkapatid. Naitakbo ang isa pa sa ospital pero agad din syang binawian ng buhay.
Ayon sa Ras Al Khaimah Police, posibleng nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver.
Dahil sa biglaang pag-iiba ito ng direkyon, dagdad pa ang mabilis na takbo, paulit-ulit na tumaob ang sasakyan hanggang sa gilid ng kalsada.
Halos mawasak ang kotse dahil aksidente. Pirat ang bubungan at basag ang mga bintana at sunroof.