Nakumpiska ng Bureau of Customs sa Pilipinas ang mga pekeng sigarilyo at kagamitan sa paggawa nito sa halagang aabot ng Php 30 milyon.
Natunton ng mga otoridad ang isang warehouse sa Orion, Bataan nitong Biyernes, ika-26 ng Pebrero ang mga materyales at mismong makina na panggawa ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng Php 20 milyon, ayon sa ulat mula sa ABS-CBN News.
Bukod dito, isa pang warehouse sa naturang lugar ang nakitaan ng pekeng case ng sigarilyo na aabot naman sa halagang Php 10 milyon.
Nito lamang Miyerkules ay nakasabat din ang Customs ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga naman ng Php 9 milyon sa may Limay, Bataan.