Tatlong katao ang sugatan matapos magliyab ang kanilang sasakyan sa Ras Al Khor, bandang alas-9 kagabi.
Isa sa kanila ang nalapnos ang ilang bahagi ng katawan dahil sa insidente.
Naapula ng Dubai Civil Defence ang pag-apoy ng sasakyan sa loob ng 5 minuto matapos itong ma-ireport. Hindi pa tukoy ang sanhi nito.
354 negosyo, ipinasara sa Abu Dhabi
Umabot sa 354 ang mga establisyimentong naipasara ng Abu Dhabi Department of Economic Development sa tatlong rehiyon ng Abu Dhabi dahil sa iba’t ibang paglabag sa COVID-19 protocol.
Ang 29 sa mga ito ay lumabag sa preventive measures na ipinatutupad habang 325 naman ang pansamantalang ipinasara dahil sa pagpapatuloy ng operasyon kahit na nagkaroon ng COVID-19 infection ang isa o higit pa sa kanilang mga empleyado.
Bukod sa pagpapasara ng kanilang negosyo, multang aabot sa AED50,000 naghihintay sa mga lumabag.
Maulap na panahon sa kalakhang UAE
Iiral ang maulap na panahon sa maraming bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Pebrero 18.
Pero magiging maaraw pa rin sa kabuoan ang panahon.
Pagdating ng hapon hanggang gabi, asahan muli ang fog sa ilang bahagi ng bansa.
Magiging maalon sa Arabian Gulf at Oman sea kinaumagahan.