Pagkakakulong at multa mula AED10,000 hanggang AED50,000 ang naghihintay sa mga COVID-19 patients sa UAE na hindi ipaaalam sa mga kinauukulan ang kanilang pagkakasakit.
Inanunsyo ito ng Federal Public Prosecution nitong Miyerkules.
Ayon sa protocol, dapat ipaalam ng isang COVID-19 positive ang kanyang status sa Ministry of Health and Prevention (MoHaP) o nakatalagang health agency sa emirate na kinaroonan nya.
Maging ang mga close contact ng isang COVID-19 patient ay kailangan ding mag-abiso.
Layon ng hakbang na ito na mabigyan ng tamang medikal na atensyon ang pasyente at ng mga nakasalamuha nila, at mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Sa pinakahuling bulletin, umabot na sa 358,583 ang kabuoang bilang ng COVID-19 sa bansa pero 13,593 na lamang ang active cases. Nasa 14 ang naiulat na namatay nitong Miyerkules.