The coronavirus disease (COVID-19) has spread to every region in the Philippines after the northeastern Mindanao region registered its first case of the disease.
The first case was identified as 68-year-old male patient from Butuan, who went home to the city last March 12, CNN Philippines reported.
Department of Health-Caraga Regional Director Jose Llacuna Jr said the man was quarantined upon his return and was later admitted at the Caraga Regional Hospital in Surigao City.
The patient, who was initially listed as Person Under Investigation (PUI), has an underlying illness including diabetes and chronic obstructive lung disease.
Dr. LLacuna said the patient was diagnosed with the disease on Monday and currently under stable condition.
The Regional Epidemiology and Surveillance Unit is conducting individuals who came in close contact with the patient including his flight details, the doctor added.
According to the latest tally from the Department of Health, the Philippines has 3,246 COVID-19 cases including 152 deaths and 64 recoveries.
BREAKING: COVID-19 cases in PH climb to 3,414
Abalos: Tanggalin ang e-VAT sa kuryente para mapababa ang singil at maparami ang trabaho
Photo courtesy: Benhur Abalos/Facebook

Nangako ang dating Kalihim ng DILG at Senatorial candidate na si Atty. Benhur Abalos Jr. na pagsisikapan niyang tanggalin ang expanded value-added tax (e-VAT) sa kuryente para mapababa ang singil sa kuryente na maaari ring mag resulta sa pagdami ng trabaho para sa mga Pilipino.
Mas makatitipid and bawat pamilyang Pilipino
Sa kasalukuyan, dahil sa 12% e-VAT, ang isang bahay na gumagamit ng 200 kWh sa halagang P12.29 per kWh ay nagbabayad ng P2,752.98. Kung aalisin ang e-VAT, magiging P2,458.02 na lang ito kaya makakatipid ng halos P300 kada buwan. Ang bawat pisong matitipid ng bawat pamilya ay mangangahulugang mas maraming budget na rin sa kanilang makakain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Mas madaming trabaho para sa bawat Pilipino
Ayon kay Abalos, mataas ang singil sa kuryente kaya nahihirapan ang mga negosyo na lumago sa bansa. Kung aalisin ang 12% e-VAT sa kuryente, naniniwala siyang mas maraming kumpanya ang mamumuhunan, na magdadala ng mas maraming trabaho at paglago ng ekonomiya.
Aminado si Abalos na mawawalan ng kita ang gobyerno kung aalisin ang buwis na ito. Pero ayon sa kanya, ang paglago ng negosyo at pagdami ng trabaho ang magiging kapalit nito na higit na makakatulong sa mamamayan.
“May kapalit ‘yan. Dadami naman ang ibang klaseng negosyo. Dadami ang trabaho sa tao, at magiginhawaan ang tao,” sabi niya.
Aksyon sa pagtangal ng e-vat sa kuryente
Matagal nang tinututulan ni Abalos ang VAT sa kuryente. Noong 2005, bilang kongresista, bumoto siya laban dito dahil naniniwala siyang magdudulot ito ng pagtaas ng bilihin at mas mabigat na pasanin sa mga Pilipino.
“I will file a bill na tanggalin, at the very least, yung e-VAT sa kuryente. Bakit? Once matanggal mo yan, dadami ang mga kompanyang papasok,” sabi ni Abalos sa ABS-CBN News.
“How can you promote manufacturing and other kind of things kung doon pa lang sa kuryente, talo ka na,” dagdag niya.
Matatandaan na matapos maipasa ang e-VAT law, agad siyang naghain ng resolusyon para ipagpaliban ito ng dalawang taon, lalo na sa kuryente at gasolina, para mapagaan ang gastusin ng mga negosyo at pamilyang Pilipino.
Kung mananalo bilang senador, nangako si Abalos na itutuloy ang laban para pababain ang singil sa kuryente at gawing mas madali ang pagnenegosyo sa bansa upang makalikha ng mas marami pang trabaho para sa bawat Pilipino.