TANONG: Totoo po bang titigil ang public transportation sa buong UAE?
SAGOT: Nilinaw ng Ministry of Health Prevention (MoHAP) at ng Ministry of Interior (MoI) na ang ‘National Disinfection Programme ay magaganap lamang mula 8:00 pm ng March 26 hanggang 6:00 am ng March 29.
Kabilang dito ang Dubai Metro, mga bus, taxi at iba pang mga pampublikong sasakyan.
Ibig sabihin ay sa gabi ng Huwebes, madaling araw ng Linggo, at buong araw lamang ng Biyernes at Sabado hindi makakabyahe ang mga residente ng UAE sa mga pampublikong sasakyan pansamantala.
Matapos nito ay babalik sa normal ang mga operasyon ng lahat ng mga pampublikong sasakyan pagdating ng Linggo ng umaga, March 29.
Hangad ng mga otoridad na manatili sa kani-kanilang mga tahanan ang publiko at lumabas lamang kung kinakailangang bumili ng pagkain at ng gamot. Mananatiling bukas ang mga supermarkets, pharmacies, groceries, at mga cooperative societies ng 24 oras.
Pinahayag din ng MoHAP at MoI na sumunod ang publiko sa mga utos ng mga otoridad kapag nagsimula na ang malawakang paglilinis sa bansa simula ngayong gabi, March 26.