Latest NewsNewsTFT News

Blue marlin na nagkakahalaga ng Php125.4M, nahuli at pinagsaluhan ng mga residente sa West Africa

Photo from Facebook: Zion Godwin

Isang mangingisda mula sa Nigeria ang ngayo’y nag-viral sa social media matapos makahuli at ihanda ang isang higanteng isda sa West Africa.

Napagalaman ng mga netizen na ang isda ay isang Blue Marlin. Bawat pound ng naturang isda ay nagkakahalaga ng Php1.5 milyon ($31,325.30) kada pound. At base sa laki at haba ng nahuli ng mangingisda, nagkakahalaga ang higanteng Blue Marlinv ng Php125.4 milyon ($2.6 million).

Nahuli ang isda mula sa Oyorokotor Fishing Settlement sa Andoni, na tinatayang pinakamalaking fishing port sa buong West Africa, ayon sa ulat mula sa Business Insider Africa.

Ang karaniwang bigat ng lalaking Blue Marlin ay nasa 200 hanggang 400 pounds na may habang hanggang 11 feet, habang ang babaeng isda naman ay aabot sa habang 14 feet at may bigat na 1,985 pounds.

Sa bansang Japan ay isang mamahaling pagkain ang karne ng naturang isda na ginagawang “Sashimi”.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button