Isang Pinay ang tumakas sa kanyang amo sa Saudi Arabia matapos saktan nang paulit-ulit ng kanyang amo.
Ayon kay “Rose”, hindi niya tunay na pangalan, mahigit dalawang taon na siyang nagtitiis sa maling pagtrato sa kanya ng kaniyang amo.
Napilitan siyang magpuslit ng isang cellphone para makuhanan ng video ang ginagawa ng kanyang amo para makauha ng pruweba at makahingi ng tulong sa mga kinauukulan.
“Nung sabado po ng umaga, binugbog po ako ng amo kong babae, pero hindi ko po siya nakunan ng video. Nilagay ko po sa isang cabinet (ang cellphone) na hindi niya nakikita,” kwento ni Rose kay Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas.
RELATED STORY: Kuwait sentences death verdict to employer responsible for death of Filipina housemaid
Inupload ni Rose ang video sa social media na mabilis nag-viral kamakailan.
“Malakas ho, nagluluto ako nung time na iyon tapos hindi ko akalain na kukuha pa siya ng walis tapos hinampas niya sa likod ko kaya hindi ako lumaban,” ani Rose sa kanya namang panayam sa GMA News.
Nakatakas laman si Rose nang utusang magtapon ng basura. Kwento niya’y sinubukan pa siyang habulin ng driver ng kanilang amo, pero nakapagtago siya sa buhanginan.
READ ON: Dubai Police arrest sponsor who ‘tortured’ maid
“Nag run away ako. Hinabol ako ng driver. May nakita akong buhanginan at pinasok ko talaga yung katawan ko, ulo lang po yung nakalabas. Nung nakita ko yung driver na papalapit, hindi muna ko bumangon. Nung makita ko na papalayo na, dun lumabas na ako at naghanap ng makakatulong sa akin,” ani Rose.
Nakahanap siya ng dalawang Arab nationals na tulumong sa kanya para makapunta sa Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar sa Saudi.
Nakakulong na ang among lalaki ni Rose, habang nakikiusap naman ang among babae na magbabayad sila ng danyos para lang i-urong ang kaso, ayon sa report ng GMA News.



