Latest NewsNewsTFT News

Ina, nireport ang anak na batak sa droga kasama ang nobyo sa UAE

Isang ina ang nagulantang nang madatnan sa kanilang tahanan ang kanyang anak at ang nobyo nito na parehong batak sa droga.

Ayon sa ulat ng Arabic daily na Al Ittihad, nireport agad ito ng ina sa mga otoridad sa pulisya.

RELATED STORY: 3 lalaking naka-droga, nakulong at magmumulta ng AED 50,000 matapos subukang manghalay sa Abu Dhabi

Agad na ginalugad ng mga otoridad ang tahanan at nadiskubre nila ang “psychotropic substances” na ginagamit ng dalawa.

Umamin ang nobyo ng babae na sa kanya nga ang droga. Pag-amin naman ng babae, gumamit sila nito sa pamamagitan ng shisha.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa patong-patong na kaso.

READ ON: Asian sentenced to 10 years, fined AED50,000 for sneaking drugs into Dubai 

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button