Latest NewsNewsTFT News

Pilipinas, huli nga ba sa mga bansa sa Southeast Asia sa nakatanggap ng COVID-19 vaccines?

Nahuhuli nga ba ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na walang bakuna laban sa COVID-19 na natatanggap sa ngayon?

Ayon sa ulat mula sa Interaksyon, Disyembre pa lamang ng taong 2020 nakakuha na ang ibang bansa ng kanilang supply.

Nanguna na dito ang Indonesia na noong Disyembre 6 pa lang ay nakakuha ng bakuna mula sa Sinovac.

RELATED STORY: Duterte to ‘personally welcome’ arrival ceremony of Sinovac vaccines on Sunday

Sumunod ang Singapore noong Disyembre 21 na natanggap ang bakuna mula sa Pfizer at Moderna.

Ngayong taon, sumunod naman ang ibang bansa gaya ng Myanmar (Sputnik V; Jan. 22), Malaysia (Pfizer; Feb. 20), Thailand (AstraZeneca; Feb. 24), Vietnam (AstraZeneca; Feb. 24), at Brunei (Sinopharm; February 21).

Hindi napasali sa ulat ang update ng COVID-19 vaccination rollout sa bansang Timor-Leste na siyang bahagi din ng rehiyon ng Southeast Asia.

Ayon sa government website ng Timor-Leste, noon lamang ika-15 ng Pebrero naaprubahan ang national vaccination plan ng bansa.

Gaya ng Pilipinas, ang Timor-Leste ay makakatanggap din ng bakuna mula sa COVAX facility. Ngunit, ang inilagay sa ulat noong ika-15 ng Pebrero ay sa second quarter pa ng taon inaaasahan na darating ang unang batch ng supply nito.

READ ON: Only 19% of adult Filipinos are willing to take COVID-19 vaccine—study

Ang Timor-Leste, ayon sa Northern Illinois University Center for Southeast Asian Studies, ay bahagi ng mga bansa sa Southeast Asia. Nag-apply ito na maging bahagi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN), ngunit hindi pa nito opisyal na miyembro hanggang sa ngayon.

Sa Pilipinas, tatlong bakuna ang nabigyan na ng emergency use authorization ng Food and Drugs Administration (FDA) kabilang na dito ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Sinovac.

Nito lamang mga nakaraang araw ay inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na unang dadating sa bansa ang mga donasyon ng 600,000 doses ng bakuna mula sa China ngayong Linggo, Pebrero 28. (ES)

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button