Makakatanggap ng CAD2,000 (Canadian dollars) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakabase sa Canada sa ilalim ng monetary pandemic aid sa loob ng tatlong buwan.
It ay ayon sa inanunsiyo ng isang opisyales ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa isang pahayag noong February 22, binunyag ni DOLE-International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas na ang Canadian government ang nag-anunsiyo nito at pinaalam sa kaniya ng kanilang labor attaché noong Sabado.
Ang ayuda na PHP76,000 para sa mga OFWs ay ibibigay kada buwan sa loob ng 12 linggo.
Ayon kay Visperas, ginagawa na ang guidelines nito kung papaano makapag-avail ang mga OFWs nito.
Ilalabas ito ng Canadian government sa paghahanda na din sa third wave ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Tinatayang nasa PHP230,000 ang kabuuan na matatanggap ng mga OFWs na cash aid.
Nagbigay na din dati ang Canada ng “allowance” na parehas ang halaga kahit pa man may pandemya. (ES)



