Latest NewsNewsTFT News

FAQs: Immune na ba ako sa COVID-19 matapos ang unang turok ng COVID-19 vaccine?

TANONG: Immune na ba ako agad sa COVID-19 matapos ang unang turok ng COVID-19 vaccine?

SAGOT: Ayon kay Dr. Farida Al Hosani, official spokesperson ng UAE health sektor, hindi pa immune nang agaran ang sinumang naturukan nang isang beses.

RELATED STORY: FAQS: Kapag ako ay na-expose sa COVID-19 matapos ng first dose, kailangan ko bang magquarantine?

Dagdag pa niya na may nagkakaroon pa din ng COVID-19 matapos ang unang turok ng kanilang bakuna dahil sa exposure ng tao sa coronavirus sa komunidad, bago pa man makagawa ng katawan ng sapat na antibodies laban sa COVID-19 para maiwasan ang sakit.

Kalimitan, ang immunity laban sa COVID-19 ay nakukuha dalawang linggo matapos ang pangalawang dose ng bakuna.

READ ON: FAQs: Is it safe for people with asthma to get vaccinated against COVID-19?

Hangad ni Dr. Al Hosani na sana’y sumunod sa schedule ang lahat ng magpapaturok na ng pangalawang dose ng bakuna para sa kaligtasan ng komunidad.

Hinayag din niya na ang pagpapabakuna ay talagang kailangan para malagpasan ang pandemya. Habang tumataas ang vaccination rate ng taumbayan, tumataas na din ang immunity rate ng mga taong nakatira dito.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button