Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

Duterte, mas gustong magpaturok ng Sinopharm na dumaan sa human clinical trial sa UAE

Mas nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna ng Sinopharm vaccine mula sa China at dumaan sa human clinical trial sa UAE, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, hindi maaaring magpakuna ang Pangulo ng Sinovac vaccine na idinonate ng China dahil hindi ito rekomendado ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas para sa mga senior citizens.

Dumating sa Pilipinas ang 600,000 doses ng Sinovac noong Linggo. Ito ang kauna-unahang suplay ng COVID-19 vaccine na natanggap ng bansa.

Samantala, inanunsyo rin ni Roque na nag-sumite na ng ang China National Biotec Group na syang nagdevelop ng Sinopharm vaccine ng aplikasyon para mabigyan sila ng emergency use authorization (EUA). Dadaan ito sa pag-aaral ng FDA sa loob ng 21 araw.

Matatandaan na nauna nang bigyan ng “compassionate use license” ng FDA ang Presidential Security Group para mabakunahan ng Sinopharm vaccine.

Batay sa pag-aaral, mayroong 79.34% efficacy rate ang Sinopharm vaccine na ginagamit din ngayon ng iba’t ibang mga bansa para sa kanilang national vaccination program tulad ng UAE.

Nasa 31,000 katao, kabilang na mga Pinoy, na nagvolunteer sa UAE para sa human clinical trial ng Sinopharm noong isang taon.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button