Latest NewsNewsTFT NewsUncategorized

OFW patay matapos umanong mahulog sa isang sasakyan sa Jeddah

Patay ang isang Pinoy sa Jeddah, Saudi Arabia matapos umano itong mahulog sa sasakyan.

Kinilala ang biktima na si Raymond Ambrocio, 27-anyos mula sa Nueva Ecija, ayon ulat ng GMA News.

Hindi nabanggit sa ulat ang klase ng sasakyan kung saan nahulog ang binata.

Ilang oras bago ang insidente noong February 16, nagpadala pa ng video si Raymond sa kanyang pamilya, ayon sa kanyang kapatid na si Richard. Kasama sa video ang ilan nyang kasamahan sa trabaho.

Nang araw ding iyon, natanggap nila ang masamang balita tungkol sa nangyari.

Ayon sa iba pang mga ulat, naitakbo pa sa ICU ang binata pero agad din itong binawian ng buhay.

Sinasabing aksidente ang kanyang pagkamatay, pero iba ang hinala ng kanyang mga kaanak.

Batay sa kwento ng kanyang kapatid na si Richard, nakitaan umano ng mga pasa sa katawan at bakas ng sakal sa leeg si Raymond.

“Sa tingin ko po yung nangyari sa kaniya pinagplanuhan nung mga kaibigan niyang ibang lahi,” saad ni Richard.

Humihingi ng tulong ang pamilya sa pamahalaan na maimbestigahan ang nangyari sa OFW.

Hindi pa tiyak kung kailan maiiuuwi ang kanyang mga labi sa Pilipinas. Pero inaasikaso na ito ng embahada sa Jeddah, ayon sa OWWA-Region 3.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button