Nagpasaklolo na ang epidemiology and surveillance unit ng Pasay City dahil sa pagkabahala nito sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 55 ang dami ng barangay na isinailalim sa lockdown.
Ayon kay Mico Llorca, nagkaroon sila ng kaso sa UK variant noong ika-12 ng Pebrero at nais nilang malaman kung nagkaroon na ng community transmission ng bagong strain ng virus.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, may isang barangay sa Pasay na isang miyembro ng pamilya na lang ang pinapayagang lumabas para mamili ng pagkain.
Sa Barangay 26 naman, mga pulis ang nakabantay sa isang apartment building kung saan maraming seaman na nag-aantay sa kanilang muling pagbiyahe ang kasalukuyang tumutuloy.
Sa huling tala ng lungsod, nasa 435 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.