Uncategorized

Isang matandang Pinay, inatake ng isang lalaki sa loob ng tren sa San Diego

Isang matandang Pinay na babae ang inatake ng di pa nakikilalang lalaki sa loob ng trolly o tren sa San Diego, California nitong Pebrero 15.

Ayon sa ulat ng ABC 10News, nilapitan ng suspek ang Pinay at bigla na lamang itong sinuntok.

Agad syang natulungan ng mga nakasaksi at dinala sa ospital.

Bagama’t itinuturing na ‘isolated case’ ng pulisya ang nagyari at hindi isang ‘hate crime’, nangangamba ang ilang organisasyon dahil sa tumataas na bilang ng mga pag-atake sa mga Asian-American sa Estados Unidos.

Sa buwan ito rin, isang Filipino-American naman ang nalaslas ang mukha nang atakihin sya ng kapwa pasahero sa loob ng New York City subway.

Ayon sa biktimang si Noel Quintana, 61, pinagsabihan nya ang suspek dahil sa pagsipa nito sa bitbit nyang bag.

Pero naglabas ito ng box cutter at iginuhit sa mukha ng Pinoy. Kinailangan ng 100 tahi para maisara ang sugat nya sa mukha.

Ayon Stop AAPI Hate, isang online organization na nakatutok sa mga insidente ng Anti-Asian ‘hate crime’, mahigit 2,800 report ng mga pag-atake sa mga Asian-American ang kanilang natanggap mula Marso hanggang Disyembre noong isang taon.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button