Uncategorized

2 holdupper sa Dubai bagsak kulungan na, madedeport pa

Dalawang holdupper ang sinentensyahan ng tig-isang taong pagkakakulong ng Dubai Criminal Court matapos pagnakawan ang isang pobreng taxi driver.

Agad silang ipapa-deport matapos ang isang taon sa likod ng mga rehas.

Ayon sa imbestigasyon, minanmanan muna ng dalawa ang taxi driver hanggang matyempuhan nila ito na iginagarahe ang kanyang sasakyan.

Tinakot nila ang taxi driver habang pinipilit kunin ang kinita nyang pera mula sa pagmamaneho maging ang kanyang cell phone.

Nagpumiglas ang biktima at nakatakbo pero naabutan sya ng isa sa mga holdupper. Bugbog ang inabot ng kawawang driver sa kamay ng mga magnanakaw hanggang mawalan sya ng malay.

Mabuti’t may ilang nakasaksi sa insidente at nasaklolohan ang biktima.

Nakatakas ang dalawa pero agad din silang nadampot ng pulisya.

Hindi inilabas ang pagkakakilanlan ng dalawang ‘convict’ dahil hindi isinasapubliko ng korte ang mga ganitong impormasyon. Bagama’t pareho silang nagmula sa Asya, ayon sa opisyal na impormasyon mula sa korte. May 200 nasyunalidad ng mga expat na nagtatrabaho sa UAE.

Ilang kaparehong kaso na rin ang dininig sa Dubai. Isa sa mga ito ay ang kaso ng isang negosyante na pinagnakawan naman ng AED1.9 milyon ng siyam na miyembro ng isang ‘gang’ noong Setyembre 2020.

Nagpanggap ang grupo bilang mga pulis.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button