TANONG: Makakalabas ba ng bansa ang mga OFWs na walang OEC?
SAGOT:
Suspendido po ang mga opisina ng gobyerno kabilang na riyan ang Philippine Overseas Welfare Administration (POEA).
Kaya po para sa mga ide-deploy pa lang na mga OFWs sa abroad, hindi po makakalabas talaga ng bansa dahil suspended na po ang over-the-counter transaction ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa Luzon. Kung may ibang lugar sa Visayas o Mindanao na nagdeklara ng community quarantine, suspendido na rin po ang processing ng mga branches o satellite regional offices ng POEA doon.
Para sa mga returning workers, ang Balik-Manggagawa OEC exemption lamang na maaaring ma-process online sa https://www.bmonline.ph.
Online din ang processing ng POEA ng mga kontrata ng land-based at sea-based workers.