Papayagan na simula sa katapusan ng Marso ang pag-deploy ng mga Pinoy domestic worker sa UAE matapos ang mapirmahan ang memorandum of agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at UAE.
Matatandaang nasuspende ang pagpapadala ng Household Service Workers (HSWs) papuntang UAE noong taong 2014.
Ayon kay Philippine delegation head Undersecretary Claro Arellano saklaw na ngayon ng Unified Employment Contract (UEC) ang mga Pinoy HSWs na layong mas maprotektahan ang kanilang mga karapatan.
Alinsunod ang UEC sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng standard employment contract para sa mga Pinoy HSWs tulad ng sinusunod ngayong patakaran sa Kuwait.
Kabilang sa mga patakaran sa ilalim ng UEC ang mga sumusunod:
1. Karapatan ng isang domestic worker na maglaan ng hindi bababa sa 8 oras na tulog o pahinga kada araw;
2. Pagbibigay ng employer ng hindi bababa sa isang araw na pahinga (bayad) sa loob ng isang linggo;
3. Karapatan ng domestic worker na itago ang sarili nyang passport o anumang identification document. Ipinagbabawal sa mga employer sa sila ang magtago ng mga ito;
4. Bawal ang pagkumpiska ng employer ng communication devices tulad ng cell phone na pagmamay-aari ng domestic worker;
5. Pagbubukas ng bank account sa ilalim ng pangalan ng domestic worker para doon mailagak ang kanyang buwanang sahod;
6. At pagpapahintulot sa domestic worker na magluto ng sarili nyang pagkain.
Isa pa sa nakasaad sa UEC ang kasunduan ng pagpapalit ng tourist/visit visa ng domestic worker sa pagiging working visa.
Nakatulong ba sayo ang mga impormasyon sa balitang ito? I-share mo rin sa iyong mga kapamilya at kaibagan!
BASAHIN DIN: UAE, posibleng alisin ang quarantine, PCR test para sa mga pasaherong naturukan na ng COVID-19 vaccine