Makakauwi ba ako kung flight ko nataon sa quarantine period?
Answer:
Para sa mga Filipino at Philippine passport holders, maaari kayong makauwi sa Pilipinas sa kabila ng enhanced community quarantine na matatapos sa Abril 14.
Pinapayagan din pumasok ang ibang lahi kung asawa ng mga PIlipino, at kanilang mga anak, maging ang ibang lahi na may permanent resident visas na sa Pilipinas. Kailangan lang nilang mag-self quarantine ng 14 na araw.
Hindi pinapayagan mga banyagang pasaherong galing China, Hong Kong, Macau, at North Gyeongsang Province (kabilang Daegu at Cheongdo Country) sa South Korea.
RELATED STORY: Flight status: Airlines give updates for flights to and from the UAE
Sa mga banyagang nangggaling Iran at Italy, kailangan magprisinta ng medical certificate na nagsasaad na tested sila at negative ng COVID-19. Ang medical certificate ay dapat na-isyu ng medical authorities at na-isyu sa loob ng dalawang (2) araw bago ang alis sa Italy o Iran.
NOTE: Mabilis pong magbago ang mga kaganapan di lang sa Pilipinas, kungdi sa ibang bansa. Kaya mangyari pong mag-update lagi sa mga balita dito sa TFT o sa mga official government sites po ng Pilipinas o sa mga bansa kung saan kayo galing.
Antabayanan ang iba pang mga katanungang aming sasagutin dito sa aming website at sa aming mga social media channels.