Latest NewsEntertainment

WEEKLY HOROSCOPE: January 24 to January 30

Welcome to this week’s horoscope! Alamin kung ano ang mensahe ng universe para sa iyong zodiac sign this week. As the stars align, now is the perfect time to harness positive energy to enhance your journey.

Aries (Mar 21 – Apr 19)  

Aries, kapag sinubukan mong gawin ang lahat nang sabay-sabay, tiyak na ma-o-overwhelm ka. Kaya mas okay na hati-hatiin mo ang mga gagawin mo into bits at magpahinga in between. 

Taurus (Apr 20 – May 20)  

Ikaw, Taurus, may kapangyarihan kang ipahayag ang mga gusto mo at makita itong unti-unting nagiging totoo. Kung may gusto ka, go lang! 

Gemini (May 21 – Jun 21)  

Baka nag-sacrifice ka ng pahinga o self-care para mag-succeed, pero baka nagiging kabaligtaran lang ito at nagdudulot ng burnout sa’yo. Kaya ngayon, stop muna sa pag-work hard ah!

Cancer (Jun 22 – Jul 22)  

Baka kailangan mo ng bagong inspirasyon para sa creative blocks mo! Magpahinga ka, Cancer, at mag-disconnect muna. Minsan, kailangan lang talaga ng fresh perspective!

Leo (Jul 23 – Aug 22) 

Huwag ibigay ang feelings mo sa mga taong hindi sila na-a-appreciate! Baka ang maling tao ay i-dismiss ka o hindi maintindihan ang intensyon mo. Protect your heart, Leo!

Virgo (Aug 23 – Sep 22)  

Baka isipin mo na kailangan mo maging authoritative para ma-motivate ang mga tao, pero baka magkamali ka at ma-alienate sila kapag pinakita mong mas mataas ka. Maging humble, yan ang dapat mong gawin, Virgo.

Libra (Sep 23 – Oct 23)  

Kung may tao kang gustong makilala nang mas mabuti — bilang kaibigan o professional contact — baka masyado kang excited. Chill ka lang, take it slow!

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)  

Ang pagiging secretive ay parang middle name mo, Scorpio! Kung hindi mo minsang ipapakita ang light mo, walang makaka-appreciate sa ganda nito!

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)  

Nagpa-practice ka na ng good habits! Mahirap talagang bitawan ang mga old routines, pero ngayon na ang perfect time para magbago for the better! 

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)  

Sobrang importante ang pananaw mo sa buhay ngayon, Capricorn. Gawin mo ang best mo na mag-focus sa mga improvements na nagawa mo na. Tutulungan ka ng universe, pramis!

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)  

You might be biting off more than you can chew, Aquarius! Huwag kang mag-sorry kung hindi mo kayang i-handle ang responsibilities ng iba. Put some boundaries, friend!

Pisces (Feb 19 – Mar 20)  

Aba, Pisces, you’re following a road less travelled ah. Wala namang one-size-fits-all sa buhay na ito, kaya tama ‘yan. Mahirap man, pero sulit ang iyong hardships!

Related Articles

Back to top button