Latest News

Pangulong Duterte, gusto nang buksan ang ekonomiya

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na nyang ipag-utos ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya.

“I have to reopen the economy. I’m giving the time table of just weeks,” saad ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong tayong Port Operations Building sa Dumaguete noong Huwebes.

Kinakailangan na raw kumita ng mga Pilipino para matugunan ang kahirapan dulot ng pagsasara ng maraming negosyo dahil sa pandemya.

Gayunman, aantayin ng Pangulo na umabot sa 1 milyon ang bilang ng mga taong nabakunan ng COVID-19 vaccine bago gawin ang hakbang na ito.

“As we do our best to revive our economy and give our people the opportunity to recover and lead better lives, I appeal to everyone to please continue observing the prescribed health and safety protocols, whether in our homes or in public places, especially transport,” dagdag ng Pangulo.

Wala pang eksaktong petsa kung kailan matutuloy ang tuluyanng pagbubukas ng ekonomiya, lalo na’t nagsisimula pa lang ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button