Latest NewsNewsTFT News

Batang naiwan sa loob ng sasakyan, natagpuang patay sa Dubai

Isang apat na taong gulang na bata ang natagpuang patay ng kanyang pamilya sa loob ng sasakyan.

Napagalamang nalagutan ng hininga ang bata matapos itong ma-suffocate ng mahigit dalawang oras, ayon sa ulat mula sa Al Roeya.

RELATED STORY: Dubai Police rescues 186 kids locked in cars, rooms in 2020

Ayon sa imbestigasyon ng Dubai Police, kasama ng ama ang kanyang mga anak sa pamimili at pagdadala ng mga pinamili papasok ng kanilang tahanan.

Hindi napansin ng ama na hindi pa pala nakakababa sa sasakyan ang isa sa kanyang mga anak.

Ayon kay Col. Makki Salman Ahmed, Director ng Crime Scene Department ng Dubai Police, dala ng pagod ay nakatulog agad ang ama.

READ ON: Toddler dies inside hot car after father refuses to break window to save daughter

Matapos ang dalawang oras ay napansin ng pamilya na nawawala ang apat na taong gulang na bata. Natagpuan nilang hindi na ito gumagalaw sa loob ng sasakyan.

Pinaalala ni Col. Ahmed na dapat laging bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at huwag na huwag iiwan sa loob ng sasakyan mag-isa, lalo na’t ngayong paparating na muli ang panahon ng tag-init sa bansa.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button