Latest NewsNewsTFT News

UAE ikakasa ang mas mabigat na multa sa paggamit ng pekeng diploma

Photo credit: WAM

Multang aabot sa isang milyong dirhamo (AED1 million) at pagkakakulong ng dalawang taon ang nais na ipataw ng ilang miyembro ng UAE Federal National Council (FNC) sa mga namemeke ng kanilang diploma para makapagtrabaho sa bansa.

Kasalukuyang dinidinig ng FNC ang panukala na mag-aamyenda sa saklaw na batas nito para mas mapataas ang multa sa mga lumalabag.

Maging ang mga recruiter at kumpanya na tatanggap ng aplikante na may pekeng ‘degree certificate’ ay maaari ring madamay sa asunto kapag naisabatas ito.

Taong 2018, natuklasan ng Ministry of Higher Education na may mahigit 140 katao ang nagtangkang magpasertipika ng pekeng diploma.

Bagama’t maliit na bilang lamang ito, hindi inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na mas marami pa ang gumagawa ng illegal na aktibidad.

Lalo na anila at nangungunang destinasyon ang UAE para sa mga expat na naghahanap ng mas malaking oportunidad.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button