Inanunsyo ng Dubai na natanggap na ito ng panibagong suplay ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer-BioNTech.
Ayon sa Dubai Health Authority (DHA), naipamahagi na ang mga ito sa lahat ng health centers.
Sinimulan ng DHA ang pagbibigay ng Pfizer vaccine sa mga residente noong ika-23 ng Disyembre, ngunit matapos ang isang buwan ay ipinagpaliban muna ito dahil sa kakulangan ng supply.
Ayoy kay Dr. Farida Al Khaja, CEO ng Clinical Support Services at Nursing Sector ng DHA, sa ngayon ay prayoridad muna na mabakunahan ang mga matatanda, may chronic disease, people of determination, at ang mga frontliner.
Bukod dito, tanging ang mga may residency visa na na-isyu sa Dubai lamang ang makakakuha ng Pfizer COVID-19 vaccine
Inaabisuhan ang mga residente na tumawag sa hotline ng DHA sa 800342 upang makapag-book ng appointment.