Inaresto ang isang lalaki matapos mapag-alamang nagnakaw ito ng isang ang camel para i-regalo sa kaarawan ng kanyang kasintahan.
Ayon kay Brigadier Abdullah Khadim, Direktor ng Bur Dubai Police station, dahil sa takot na malamang ninakaw ito, sinabi di umano ng magkasintahan sa mga otoridad na nakita lang nila malapit sa kanilang sakahan ang batang kamelyo.
Hinayag ni Brig. Khadim na nakatanggap sila ng ulat ukol sa isang batang kamelyong biglang nawala ilang oras matapos ito isilang. Nagpadala ang mga otoridad ng ilang pulis, pero hindi nila matunton kung ninakaw ito o kung anong nangyari dito.
RELATED STORY: Maid in Dubai accused of stealing clothes she wore in Instagram photo
Ilang araw ang nakalipas, nakatanggap ang pulisya ng panibagong update ukol sa isang lalaking di umano’y nakakita ng batang kamelyo sa loob ng kanilang sakahan. Pumunta ang mga pulis sa naturang sakahan ngunit hindi sila naniwala sa kwento ng lalaki.
Sa kanilang imbestigasyon, napagalaman nilang hindi kakayanin ng bagong silang na batang kamelyo na lumakad nang may mahigit tatlong kilometrong distansya sa pagitan ng dalawang sakahan, dagdag ng ulat mula sa Al Bayan.
Nang tanungin muli ng mga otoridad, binunyag na ng lalaki na ninakaw niya ang batang kamelyo para iregalo sa kanyang girlfriend. Dagdag pa ng lalaki, ang naturang batang kamelyo ay isang ‘rare breed’ at mataas ang halaga sa merkado.
READ ON: Man uses stolen wedding ring from his first wife to propose marriage to second lover
Pinagtapat na rin ng lalaki na siya mismo ang pumasok sa sakahan ng kanyang kapitbahay noong isang gabi para nakawin ang batang kamelyo, at gumawa ng kwento na di umano’y natagpuan niya ito sa kanyang bakuran.
Hinayag ni Brig. Khadim na naibalik na sa may-ari ang batang kamelyo at hinarap ang lalaki at ang kanyang kasintahan sa korte dahil sa pagnanakaw at pagbibigay ng maling impormasyon sa pulisya.