Patay ang isang lalaki sa Dubai matapos hatawin ng flatmate ang kanyang ulo habang natutulog.
Puno ng dugo ang sahig ng flat ng datnan ng pulisya ang biktima na nakadapa sa sahig ng kwarto.
Mismong ang kanyang flatmate pa ang tumawag ng saklolo sa pulisya. Noong una’y pinalabas nyang nahulog mula sa itaas ng kanilang bunk bed ang biktima.
Pero lumabas sa pagsisiyat ng mga imbestigador na hindi pagkakabagok ang sanhi ng pagkamatay ng biktima kundi mga palo ng matitigas na bagay sa kanyang ulo.
Agad na inimbestigahan ng pulisya ang flatmate na tumawag ng tulong. Hindi na sya nakatanggi sa krimen ng mag-match ang dugo ng biktima at ang mga talsik ng dugo sa kanyang damit.
Inaamin ng suspek ang krimen at sinabing away sa utang ang puno’t dulo ng lahat na humantong sa malagim na trahedya.
Nasa public prosecution na ngayon ang kaso.