Shopping, some people say, is therapy. It de-stresses. It makes you feel happy.
But watch out. Too much of the good thing can hurt – in this case, maxing out the plastic card; worse borrowing money for your “wants.”:
As renowned motivational speaker, Chinkee Tan, puts it: “The only issue with shopping is, when you shop without the funds. Uutangin or gagamitin ang credit card tapos walang naman pambayad in full.”.
“Di ba ang sarap mag-shopping? Pwedeng-pwede naman mag-enjoy sa pamimili basta ba ‘can afford’ mo,” he said.
Tan offers the following tips:
Canvass and compare.
Bago ka bumili ng isang item, siguraduhin mong ito ang pinaka-good deal na nakita mo. Minsan makikita mo na P500 lang ang gustong mong damit, tapos makikita mo sa ibang shop P150 lang! Sayang naman ang P350 na matitipid mo. Kaya bago ka magdecide bumili especially kung big item ito, mag-canvass ka muna at hanapin kung saan ka mas higit na makakamura.
Mag-abang ng Sales
Alamin mo kung kailan ang mga panahon ng sale.
Tinatapat ang mga SALE kapag weekend at araw ng sweldo.
Ang mga item na noon ay P1000, kapag naka-sale nagiging P500 nalang. Nakatipid ka ng kalahati! BE WISE!
Set a budget
Bago ka pa man din mag-shopping, dapat nakapag-decide ka na kung hanggang magkano lang ang gagastusin mo. SET A BUDGET & A LIMIT. Kasi kapag hindi ka nag set ng budget, chances are, mapasarap ka sa pamimili at di mo namamalayan na butas na ang wallet mo.
Kapag wala kang budget at sky is the limit ang pag-shoshopping mo. Siguradong sasakit ang ulo mo lalo na kung dumating yung billing statement.