News

FAQS: Kapag umuwi po ba ako sa Pilipinas, saan po ako mag-quarantine? Sa bahay po ba?

TANONG: Kapag umuwi po ba ako sa Pilipinas, ma-q-quarantine ako? Saan po ako dadalhin?
SAGOT:
Ayon sa advisory ng Department of Foreign Affairs (DFA), lahat ng OFWs, sea-based man o land-based, ay kailangang sumailalim sa mandatory 14-day facility quarantine pagkalapag nila sa Pilipinas.
Ibig sabihin nito ay hindi muna makakauwi nang diretso ang mga OFWs na lalapag mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo pabalik sa kanilang pamilya. Ito ay alinsunod sa Resolution no. 23 at 24 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bilang pagpapatuloy ng gobyerno sa kanilang mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19) sa bansa.
Kamakailan ay 58 mga OFW mula sa Abu Dhabi na nakabalik na sa Pilipinas ay dinala sa “We Heal as One Center” sa World Trade Center sa Pasig na isa sa mga naturang quarantine facilities sa Luzon.
RELATED STORY: PH Embassy, UAE government facilitate safe return of 58 OFWs amid COVID-19 pandemic
Manggagaling sa Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ) ang desisyon kung saang quarantine facility pansamantalang mananatili ang mga OFW nang 14 na araw pagkalapag nila sa Pilipinas.
Ang mga OFW ay bibigyan ng libreng pagkain ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at maaaring makipagugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Health Service Command kung sila’y nangangailangan ng tulong medikal anumang oras, ayon sa ulat ng Philippine Information Agency.
Makakauwi lamang sa kani-kanilang tahanan ang mga OFWs matapos ang 14 na araw na sa quarantine facility, habang inaayos pa ng mga otoridad ang pagpapauwi para sa mga OFWs na nakatira sa Visayas at Mindanao.

Staff Report

The Filipino Times is the chronicler of stories for, of and by Filipinos all over the world, reaching more than 236 countries in readership. Any interesting story to share? Email us at [email protected]

Related Articles

Back to top button
Close